Sunday, June 13, 2010

Pilipinas Got Talent?

Nakakaasar talaga ang nangyari kagabi sa Pilipinas Got Talent! Hindi sa bias ako at may bet akong iba, pero sa tingin ko, hindi dapat manalo si Jovit sa nasabing contest.

Wala akong kahit anong galit kay Jovit pero hindi ko talaga matanggap na pinapanalo lang siya dahil sa nakakaawa niyang sitwasyon sa buhay. TALENT BA 'YON?!

Hindi dapat natin dinadaan sa PA-DRAMAHAN ang mga contests natin, dapat ang pinagtutuunan natin ng pansin eh kung sino talaga 'yong may talent. Kasi 'yon ang patunay na magagaling ang mga Pilipino 'di ba? Sa mga contests? Tapos ang papanaluhin eh 'yong may nakaka-iyak na buhay pero wala naman talagang galing!

Wala akong sama ng loob sa taong 'yon pero sa tingin ko talaga, hindi maganda ang boses niya. Sa palagay ko, 'yong boses niya 'yong tipong naririnig mo kapag birthday ng isang kapit-bahay mo at may inuman; ganoon ang boses niya! Hindi nakakatuwa, ni hindi nakaka-inspire na sumabay sa pagkanta niya 'di tulad ng ibang mga nananalo sa mga contests. Sabi ng mga kasama ko sa bahay, hindi daw talaga siya magaling; i second the motion! Kasi kung talent ang titignan, mas gugustuhin ko pa 'yong babaeng kayang tumugtog ng labindalawang instrumentong pang-musika. Mas bilib ako sa kanya dahil iyon talaga ang tunay na talent. Nagtataka din ako kung bakit hindi 'yong totoong may ta;ent ang nanalo. Kung tutuusin, marami sa grupong iyon ang mas magaling pa, as in mas magaling pa sa kanya, pero siya ang binoto ng sambayanan. Iyon nalang ba ang batayan ng mananalo sa talent shows ngayon? Kwento ng buhay? Kung ako pala sasali dapat gagawa ako ng kwentong makakaantig ng mga manonood at mga hurado para manalo din ako.

Magaling 'yong magician do'n , si Alakim. Manghang-mangha ang nanay ko do'n at excited na excited ng ikuwento ang ginawa ng magaling na contestant. Nakakaginig daw ang bawat mahikang ginagawa niya at para siyang magician na galing sa ibang bansa, sobrang galing daw. Kahit hindi ko napanood 'yon, naniniwala ako sa nanay ko. And believe me, hindi ganoon kadali humanga ang nanay ko sa mga ganoon, except kung magaling talaga!

Sana lang talaga, mas pagtuunan natin ng pansin at suportahan ang mga contestant na talagang may TALENT at hindi 'yong marunong humugot ng COMPASSION sa ibang tao. Ganoon ba ang mga Pilipino? Nakakakuha ng oportunidad kasi nakakaawa? Parang hindi ata maganda 'yon...

written: June 14, 2010

2 comments:

  1. YAN ang problema sa mga text votes. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit lagi na lang may "iyakan portion" sa mga talent shows.

    ReplyDelete