"Walang aksidente sa mundo, meron lang ay mga bagay na hindi maiiwasan..."
Motto ko 'yan kung matatanong niyo. Pero, isa pa lang 'yan sa mga bagay na tungkol sa akin. Isa lang 'yan sa mga libu-libong mga bagay na bumubuo sa akin; ako bilang si "ONI OUJI". Pero ano nga ba 'yang "ONI OUJI" na sinasabi ko na ako daw? Galing 'yan sa mga japanese words na "ONI" na ang ibig sabihin ay DEMONYO o DEVIL at "OUJI" na ibig sabihin ay PRINSIPE o PRINCE. Ibig sabihin masama ang ibig sabihin niyan.
PERO hindi naman ako ganu'n kasama. Honestly, hindi ko talaga gustong maging masama eh. Nagkakataon lang na sa ibang pagkakataon eh nagiging masama ako. Bale, hindi sinasadya. Hindi sinasadya na maging masama (i.e. kapag nagbibiro na pang-asar, nakikipagharutan, etc.). Ayon, madalas masama ang labas ko niyan. Pero ang mahirap, hindi ko 'yon napapansin hanggang sa naiipon na pala at sa dulo ay kamumuhian na ko ng isang partikular na tao.
Kaya nga sinasabi ko sa mga kaibigan ko na maging open sa akin at magsabi kung mayroon mang masamang bagay akong nagawa sa kanila. Gusto ko din sila magbahagi ng mga bagay tungkol sa kanila. Bakit? Importante 'yon para mabuo ang tinatawag na "closeness" sa pagitan namin. Hindi maiiwasan d'yan ang mga aminan, mga labasan ng samaan ng loob, labasan ng mga sikreto (OMG!!), developan, inisan, isnaban, mga ganoong bagay! Pero doon nag-uumpisa 'yong makulay na buhay ng pakikipag-kaibigan. Kahit ang mga kaaway ay kaibigan FYI. Hindi nga lang kayo ganoon ka-close (hehehe :D)...
Gusto ko din i-share ang mga thoughts ko tungkol sa mga away-away, sikre-sikreto at iba pang mga bagay na may kinalaman doon. Umpisahan natin sa mga away-away:
Hindi maiiwasan ang mga gulo-gulo o away-away sa mga magkakabarkada. Abnormal ang isang pagkakaibigan na walang away kahit isa man lang. Ano 'yun? Plastikan?! Pero masaya naman kapag walang away sa grupo. Pero kung hindi maiiwasan, magandang gawan agad ng remedyo! Pangit 'yong tatagal ang away ng mahabang panahon, para kang bumuburo ng tutuli sa tenga mo. (eeeewww~!!!) Hindi ba, nakakadiri? Pero ganoon talaga 'yon! Tapos kapag hindi naman ganoon kadaling ayusin, dapat magusap-usap 'yong mga kasangkot sa gulo. Tapos meet in the middle (ano daw?) Magkasundo kayo! Ang aarte! Joke! Pero try to do that... Hindi naman mahirap makipag-usap eh. May mga bagay lang talagang ginagawang komplikado nating mga tao. Ewan ko ba bakit kailangang gawing ganoon?
Daan naman tayo sa mga sikre-sikreto:
Try to learn na may mga bagay na hindi kayang sabihin sa'yo ng mga kaibigan mo kahit pa anong closeness niyo sa isa't-isa. Pero may mga bagay na hindi na dapat suyuin pa para sabihin lang, inarte na tawag d'on! Ayon nga sa kasasabi ko lang, hindi dapat magkaroon ng space ang bawat isa sa isang barkada. Parang sa date, tawag d'on , Empty Air (if I'm not mistaken). Ang dull ng ganon, parang langaw sa lugaw. Hindi din dapat lalabas ang mga bagay-bagay na sinambulat para lang sa barkada. Huwag maging tsismosa at tsismoso, ikasisira 'yon ng pagkakaibigan niyo! Atsaka, hindi magandang ugali 'yon.
Punta naman tayo sa isa pang dako ng pagkakaibigan, kahit sandali lang. Tawag naman d'on: PAGKAKA-IBIGAN (ang corny ng intro...). Masaya talagang magkaroon ng isang special someone. Inspired, determined, happy, jolly, energetic, vigor, inspired, perspired, tulala, wala sa sarili, bangag, tawa ng tawa, mukhang baliw, (teka teka teka! Tigil muna tayo, pumapangit na ang mga descriptions.) Pero ecstatic talaga kapag may special someone, hindi ko lang ma-explain in words. Kapag umiibig ka, parang may higad sa puso mo, nagreresulta sa pagbibigay ngiti sa pagkatao mo. Malaking tulong din ang mga special someone: tagapaypay, tagakuha ng tubig, taga punas ng pawis, taga gawa ng assignments, taga kuha ng mga paper works, taga huli ng tutubi pero higit sa lahat, tagapagbigay saya sa puso mo... (ang corny talaga ng lintik na 'to!)
53 minutes na daw ako sabi ng counter sa tabi ng tab ng internet browser na gamit ko. Ibig sabihin malapit na kong magtapos sa pagsusulat. Maikli ang blog ko ngayon, nakakaasar. Pero madami pang edition yan; ang Ako Bilang si Oni Ouji. Just wait and see... Kung hindi lang talaga ako magta-time na, dadagdagan ko pa 'to eh! Ayan, 55 minutes na daw, walang pera ang pitaka, mapipilitan akong tapusin na ang blog na 'to. Hindi ko nagawa ang pinapagawa ni "MA'AM" kasi tina-try ko 'yong larong nilalaro ko eh ayaw naman gumana. Ayon!
Mahirap pala kapag kailangan niyong maghiwalay ng kaibigan mo, at mas masakit kapag wala ka nang magagawa d'on...
(BUHAY...KOLEHIYO^^)
No comments:
Post a Comment