Monday, May 31, 2010

Ang Mga Barkada ni Oni Ouji (Overview)

Isang gabi na naman na pagod ang inyong lingkod. Kakagaling lang sa isang pasyalan na kung tawagin ay “mall”. Kasama ko ang mga barkada na nakilala ko noong 4th year high school. Para kaming F4, Boys Over Flowers, A1; apat na lalaki na magkakasama para sa iisang mithiin: ang magsaya ng wantusawa!! Sa grupo, halo-halo na kami kahit apat lang kami: May payat, may mas payat, may cute na chubby at may matabang macho! XD Pero ‘yong payat, tahimik; ‘yong mas payat, maloko at palabiro; ‘yong cute na chubby, na si ako, ay suplado daw at kill-joy; tapos ‘yong matabang chubby, isip-bata! Parang magulo ang pagkakakabit-kabit ng mga personalities sa mga panlabas na anyo pero iyon ang naglalagay sa grupo namin sa pedestal ng pagkalamang sa iba pang grupo. Kenneth Roy Kamad, Phillip John Rey Querido, Kiev Rhepotsirhc Delgado at Haru Kazuma: ang mga kolokoy na bumubuo sa grupong ‘to!

Pare-pareho kaming mga nasa hindi gaanong kayamang pamilya pero lahat kami nagsisikap para mapabuti ang buhay. Sama-sama kami nangangarap, sama-sama gumawa ng paraan para maabot ‘yon nang makatungtong ng 4th year high school, sama-samang tumawa sa mga nakakatawa at ubod ng corning mga jokes na kami-kami lang ang nagkaka-intidihan. Hindi kami ordianryong grupo dahil malapit kami sa isa’t-isa; as in super close! Parang ganito oh! *pisil ng dalawang daliri* As in sobra talaga!

Ang hirap lang sa grupo, kapag may mga lovelife na ang iba sa amin. Ako, hindi sa nagbubuhat ng sariling trono, hindi ako nawawalan ng atensyon sa kanila pero sila? Ummm… ‘Wag magagalit ha? Pero mas pinipili nilang ibuhos ang buo nilang oras sa kanilang ka-relasyon. Nakakaselos bilang kaibigan. Pero marunong naman kaming lumugar. ‘Yon lang, kapag may karelasyon na, parang wala nalang ‘yong ibang ka-grupo; parang “Pakialam ko sa inyo? Basta ako may girlfriend? Gets mo?!” Masakit, ‘di ba?

Pero kung susumahin, ito ang barkadang ayokong mawala sa buhay ko. Ang parte ng pagkatao kong hindi ko talaga lilimutan kahit magkapamilya’t maging lolo na ako. Ito ang barkadahang hindi ko ipagpapalit sa iba ko pang mga barkada dahil sila ang naging “kapatid” sa akin ng totoo. Totoong kaibigan? Mahirap na mahanap ‘yan. Ang pagkakaibigang kayang isakripisyo ang lahat? Malabo na ‘yan sa panahon ngayon! Pero nakita ko lahat ‘yon sa kanila. Puro lalaki kami pero lahat kami may malasakit sa isa’t-isa at iniisip muna ang isa’t-isa bago ang sarili nila. Ito ‘yong samahang hindi kayang buwagin ng kahit na ano, dahil lahat na ata ng issue nadaanan na namin. At ngayon? Matatag pa rin! Kakagaling nga lang sa MOA kanina eh! At sobrang saya dahil nakasama ko sila ng isang buong araw. (sayang wala lang akong pera para ilibre sila dahil sa miyerkules na ang birthday ko…) Isa pa lang ito sa mga barkadahang hindi ko malilimutan sa buhay ko. Ngapla, ang tawag namin sa samahan namin ay CHRONO BROTHERS; HINDI MABUBUWAG KAHIT KAILAN! HINDI MABUBUWAG KAHIT PA NG ORAS MISMO! Kaya kami ay mga Chronos. P.S. NIISAMA-KIEV!! ANG DAYA MO!! LAGING AKO ANG NANLILIBRE!! BURAOT!! KURIPOT!! XD

Napag-usapan na din naman ang “mall” at alam niyo naman ang “MOA”, mapag-usapan na din ang isa sa mga paborito kong mall sa buong Pilipinas: ang SM CENTERPOINT! Dito nabuo ang barkadahang tinagurian sa katagang HOMERS ASSOCIATION or simply, HOMERS. Homers? Hindi ito literary group na tungkol sa mga sinulat ni Homer, tungkol ito sa mga taong adik sa SM CENTERPOINT na halos araw-araw na pumupunta do’n na parang “HOME” na ang turing sa nasabing mall. Pare-pareho kami ng hilig: DANCE! DANCE! REVOLUTION! ayon nga sa sigaw ng computer announcer ng makina ng larong ito. Hindi naman kami ganoon kagaling pero matuturing kaming “average”.

Mga kaklase ko sila nung nasa College of Accountancy pa ako. Nangyari ‘yon no’ng 1st year college ako. Close din naman ang bawat ng miyembro ng grupo kahit papaano. Pero unlike sa mga CHRONO BROTHERS na close dahil sa mga personal na usapin, dito close ang lahat dahil sa libangan at tsismisan. Dito nag-uumpisa ang mga tsismis na hindi ko na babanggitin kasi masyadong personal at nakakasira ng pagkatao kapag binulgar ko pa. May malasakit din naman sa isa’t-isa pero maaari kong gamitin ang word na “uncomparable” kung ikukumpara sa samahan naming mga Chronos. Dito ko din nakilala ang girlfriend ko ngayon na si Kyiashi-Hime: ang Kris Aquino ng grupo. Wala ka talagang lusot kapag siya na ang nagtanong. >.< Mapapaamin ka talaga to the max!
Ewan ko kung mapapanatili pa ‘to dahil busy na ang mga natira sa Accountancy, pero sana, oo. Kasi sayang ang nabuong samahan namin at ‘yong closeness. Masay ako kapag kasama sila dahil kasama ko sila sa libangan ko. At hindi ko sila sisisihin kung bakit man ako bumagsak sa pag-aaral dahil pinili ko din naman ‘yon. (Kaya ikaw, kung nababasa mo man ‘to, mahiya ka sa balat mo!) Sana may matamaan! Hmpf! Von Patrick Pasion, Kyiashi Hime, Rico Manarang, Jerick Mariano, Joselito Rizal Landicho, Mark Jayson Morales at Haru Kazuma. Co-associates: IBON SINGOL LADIES: Desiree Arenas, Rochene Relator, Aldeguer Joy Penetrante at Mary Rose Sardido.

Mula pa noong grade 3 no’ng nakilala ko siya. Si Ricardo Bautista ang naging ka-usap, kalaro, kaibigan, katawanan, ka-tampuhan, kaasaran kasama ng kuya(?) niyang ewan ko kung bakit pumapatol sa mga bata, over all, siya ang best friend ko; ang pinaka-una kong best friend. Pinakilala niya sa akin si Jay Tumanda na mula naman sa ibang section. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala pero masaya din ako kasi nakilala ko ang mabait na ‘yon. Tapos dumaan ang isang taon at nakilala namin si Charmaine Fhel Leonardo na mas mababa ng isang taon kumpara sa amin. Si Charmaine naman, totoo sa sarili, kung ayaw niya, ayaw niya! At kapag gusto niya mang-asar, nang-aasar siya. Pero sa tinagal ng panahon, hindi pa niya ako inaasar kahit kailan. Ang madalas mapagbuntungan ng pangungutya, si Jay. Pero despite of that, masaya pa rin siya na kasama niya kami. Dahil doon, masasabi kong sobrang bait niya. Kung ako ‘yon, naku! Makikipaglaban ako! XD

Si Ricardo, quiet type. Pero kapag bumanat ‘yon, hindi mo makakalimutan for about two weeks. XD Mas malupit pa mambara ‘yon kesa sa kuya(?) niya! Masaya ako kasi kahit ilan taon na ang nakalipas, hindi niya kami nakalimutan at hindi niya kami pinag-kaila kahit kailan! Kapag inaaway nga kami, siya pa mismo ang nakikipagbarahan. Mabait siya. Ang kulang lang sa grupong ‘to, closeness. Nabubuhay ang samahan sa lagay na magkakasama kami kasi alam naming magkakaibigan kami. Kaso, minsan, walang common bond. Kapag magkakasama, parang empty air, pero masaya kami sa companion ng isa’t-isa. Hindi ko talaga mapaliwanag kung bakit pero masaya ako kahit ganoon. Gano’n din naman ang nararamdaman nila. Do’n ko naranasan ang umuwi ng 11 pm dahil lang sa may tinatapos na palabas sa TV. HAPPY BIRTHDAY RICARDO BAUTISTA!! Gemini kami pareho, at 2 days lang ang agwat namin sa isa’t-isa. Dati, naisip ko na parang Gemini, kaming dalawa ang magkakambal.

May isa pang barkadahang nasali ako no’ng 1st year college. Ang tropang PC SHOP. Like the Homers, ang tropang PC Shop ay nabuo dahil sa isang common hobby: computer! Joselito Rizal Landicho, John Carlo Palmes, Rusty Lopez at Haru Kazuma. May closeness naman sa grupong ‘to, hindi nga lang ganoon na-develop kasi minsan lang ako mag-computer. Co-associates: DOTA BOYS: Melvin Dordas, Myrone Joshua Martin, John David Dela Cruz, Nico Louis Magdayao at Keven Rana. Ang pinaka-attached sa grupong ito ay si JRAL. Siya rin ang tinuturing kong isa sa mga kaibigang hindi ko kayang mawala kahit pa sa text ay hanggang tatlong palitan lang kami ng texts. Mabait din siya at walang yabang sa katawan. Whoooshh!

Masaya naman ako sa companion ng lahat, hindi nga lang mawawala ang pag-aarange sa kung anong barkadahan ba ang the best. Kung ako ang tatanungin, ang the best na barkadahan na nasamahan ko ay ang una kong nabanggit. It’s the best friendship I’ve ever had. Pero hindi ko sinasabing kayang kong mawala ang iba ko pang mga barkadahan, hindi ko kaya ‘yon! Masaya ako sa piling ng lahat ng barkada ko kahit pa iba-iba sila sa bawat isa. Masaya ako at nagpapasalamat sa D’yos dahil sila ang mga taong humubog sa pagkatao ko. Sabi nga ni Rizal sa kanyang tula: Trozos del alma mia! Sila ay parte ng kaluluwa’t pakatao ko. Kung ano ako ngayon, salamat sa kanilang lahat. (Arigatou, kokoro kara, boku ni ima ga aru no wa minna no okage sa – thank you from the bottom of my heart, I am what I am now because of everyone. *Shiawase Neiro – Orange Range*)

written: May 31, 2010

No comments:

Post a Comment