Monday, May 31, 2010

Ako Bilang si Oni Ouji (Love Life Edition~!)

Narito nanaman tayo sa isa pang edisyon ng AKO BILANG SI ONI OUJI! *tadaa~!* At ang aking ipapakilala - *drumrolls* ang mga naging at ang love life ko sa buong buhay ko hanggang ngayon. Madami-dami namang mga babae ang naging parte ng buhay ko. Hindi halata sa mukha pero nakaka-sampu (10) na akong girlfriend (kasama na d’on ang girlfriend ko ngayon). May mga malalaki at hindi malilimutan ang naging parte sa buhay ko; meron din naman na sa sobrang liit eh hindi ko na maalala ang pangalan. Itatago natin sila sa mga sumusunod na pangalan para maging tago ang kanilang mga katauhan. Ngayon, ipapakilala ko na sila! Game!

1. Ms. Inigo (# : 7)

Si Ms. Inigo ay nakilala ko noong 1st year high school ako. Siya ang una sa listahan kasi siya talaga ang nauna. Masaya naman kasi 1st boyfriend niya ako, 1st girlfriend ko din s’ya. Naaalala ko pa, bumili ako ng greeting card na may kasamang refrigerator magnet. Kaso, nabasa sila sa loob ng bag ko dahil sad ala kong tubig. Ang kinahinatnan? ‘Yong ref magnet lang ang nabigay ko. Nakakatakot din ‘yong kuya niya kasi mukhang “gangster” at kapag tumingin akala mo papatayin ka. Kapag sinusundo ko siya, laging nakatingin sa akin na parang gusto akong patayin. Maganda ang lakad ng relasyon namin hanggang sa mag-tapat sa akin ang best friend niya. Nag-two timing na pala ako no’n ‘di ko pa alam. (‘di ko pa alam ang konsepto ng two-timing)

2. Ms. Seductive-Eyes (# : 14)

Bestfriend ni Ms. Inigo si Ms. Seductive-Eyes, as in close sila. Nagsimula ang lahat sa groupings (wala talaga minsan nadudulot na maganda ang groupings! tsk!). Napaaga ako ng dating at maaga pa no’n. Dahil sa inaantok pa ko, sinabi ko na baka pwede akong maki-higa muna sa kama niya tutal maaga pa naman no’n. Nang humiga na ako, tumabi siya sa akin at niyakap ako. OMG!! Nagulat ako habang nilalapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Sabi niya, hiwalayan ko na daw si Ms. Inigo dahil mas maganda daw kung kami nalang. (Oo, nangyari ‘yon. Pero hindi nangyari ang bagay na nasa isip mo! H’wag ka na magkaila!) Nang kinagabihan, bumili kami ng Zagu at do’n na naganap ang pagiging “kami” namin. Pero dahil sa naisip ko na mali ‘yon, tumagal lang ng isang linggo ang relasyon namin (Lunes! Nang tayo’y magkakilala, Martes! Nang tayo’y muling magkita…)

3. Ms. Alena (# : 11)

Si Ms. Alena naman ay kaklase ko din no’ng 1st year. Kausap ko kapag walang magawa, kaharutan, kakulitan. Tapos, no’ng summer, umamin siya sa akin na may gusto daw siya sa’kin. Nagulat nanaman ako! OMGA!! Wala kasi sa mukha ko ang habulin ng babae, pero no’ng 1st year ako, medyo cute pa ako no’n, ngayon mukha na ‘kong matanda. Kilala niyo ba si Alena? ‘Yong sa Encantadia? ‘Yong kasama sila Amihan, Danaya, Pirena, Imaw? Sabi ni Ms. Alena sa akin, ako daw ang Ybarro ng buhay niya (ang corny, nakakaasar!) Kaso, parang si Ms. Seductive-Eyes, one week lang din ang life span ng relasyon namin. Tinamad akong i-text at tawagan siya kaya nawalan kami ng communications. Busy-busyhan na kasi sa enrollment no’n. (Lunes! Nang tayo’y magkakilala…)

4. Ms. Angel (# : 28)

Isa sa mga outstanding-beauty na naging girlfriend ko. Rosy-white, mahaba ang buhok, napakaganda ng mukha, at higit sa lahat, mabait. Para siyang anghel na napadpad sa lupa ko. 2nd year ako no’n sa isang public school (Benigno “Ninoy” S. Aquino High School) at siya naman 3rd year sa isang private school. Malapit lang ang school namin, pero hindi ko siya sinusundo’t hatid kasi nakakahiya kapag magkasama kami, mukha akong PA ng isang artista. Nagkikita lang kami no’n sa isang parke at do’n nag-uusap ng mga bagay-bagay. Wala naman daw problema sa itsura ko, medyo cute naman daw ako. (talaga?) Nagkahiwalay lang kami kasi nalaman ng parents niya ang tungkol sa amin at bawal pa siya magka-boyfriend haggang college. Lumipad na papalayo ang anghel ng buhay ko.

5. Ms. First-Love-Never-Dies (# : 4)

Siya ang pinakamalapit sa puso ko. Sa sobrang lapit, gusto ko siyang ilayo. Malaki ang naging parte niya sa buhay ko dahil siya ang nagpabago sa akin bilang isang partner sa isang relasyon. Ayaw niyang tawag sa akin “boyfriend” gusto niya “partner” para daw mas malalim pa sa kung ano talaga kami. Mula “Immature being” ginawa niya ‘kong “Utak-Manong”. Magaling siya magpayo tungkol sa mga relasyon kaya mas lalo akong nain-love sa kanya. Marami na ‘din kaming plano sa buhay no’n, siya teacher, ako, ewan ko, gusto ko lang no’n maging mayaman. Nakagawa na nga kami ng listahan ng mga pangalan ng magiging anak namin eh! (Lupeet!) Siya din ang pinakamatagal sa lahat, 362 days kami! 3 days nalang anniversary na namin, kung hindi lang talaga kami nagkahiwalay ng section, siguro kami pa hanggang ngayon.

Sinabi niya, na-obliga daw siyang magmahal ng iba. Hindi ko siya maintindihan. Potek siya! Hindi ko talaga siya maintindihan! ‘Yon ang mga nasa isip ko nung una. Hindi ko alam gagawin. Dahil sa kanya, sinira ko ang boses ko kaya boses nagbibinata pa rin ako hanggang ngayon. ‘Kaw ba naman lumaklak ng tubig na may alcohol eh? (beer? hindi!) Pero nung senoir’s ball namin, do’n ko naintindihan ang lahat. Inaya ko siya sumayaw kahit alam kong katabi lang niya ang boyfriend niya. Nang matapos na ang kanta, niyakap ko siya, niyakap niya ako, binulong ko sa paiyak nang tono: “Mahal mo pa ba ako no’n?” Wala siyang naging sagot, sa halip, tumulo luha niya at tumingin siya sa mga mata ko. Naintindihan ko na lahat sa simpleng nangyaring ‘yon. Binigyan ko nalang siya ng isang ngiti at umalis na ko sa harapan niya. Ginugol ko tuloy ang isang oras ng party na umiiyak sa mesa namin ng mga kaklase ko. (senti no?)

6. Ms. Anonymous 1

‘Di ko na siya maalala… Nakakapagtaka…

7. Ms. Anonymous 2

Nilimot ko na ‘din ang isang ‘to! Hindi ko gusto naging trato ko sa kanya…

8. Ms. Player (# : 8)

Ang pinaka-malandi sa lahat ng naging girlfriend ko. As in ubod!! Asar!! Pinagsabay-sabay ba naman kaming tatlo ng iba pa niyang boyfriend?! Ang lakas ng loob! Kala mo naman maganda! 3 days lng tinagal namin kasi buti nalang nalaman ko agad na may iba pa siya! Mula no’n hindi ko na siya kinausap pa. Siya siguro ang karma ko kay Ms. Anonymous 2.

9. Ms. CEU/Half-Korean (# : 14)

Si Ms. CEU/Half Korean ay nag-aaral sa CEU, katabi ng San Beda. Oo, mayaman siya. Nakatira sila sa Villa malapit sa amin. Currently, best friend ko siya. Hingian ng advice, bagsakan ng problema. Ex-girlfriend siya ng best friend kong yumao na (sumalangit nawa). Nasabi ko sa sarili ko na dapat ko siyang pasayahin dahil sa trahedyang nangyari. Akala ko dati, mahal ko na siya, hindi pala. Pero, siya ang first time ko (Oo, kung ano ‘yong iniisip mo kanina kay Ms. Seductive-Eyes, ginawa namin). 2nd monthsarry namin ‘yon. Pero after a few days, nalaman kong hindi ko pala siya mahal. Awa lang ang naramdaman ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko, at natural, iisipin niyang kinuha ko lang ang gusto ko mula sa kanya. Sinabi kong hindi gano’n ‘yon at mas malala kung tatagal pa ang relasyon namin dahil lang sa awa. Tama ‘di ba? (Salamat pala sa mga ice ream!)

10. Ms. Kyiashi Hime (# : 16? Joke! 16!)

Kung ako si Oni Ouji, siya naman si Kyiashi Hime~! My current girlfriend. Mabait siya at nakikita daw niya ang sarili niya sa akin kaya minahal niya ako. Pero, sa lahat ng naging girlfriend ko, siya ang black beauty. (peace! :D) Towel-girl ko rin ‘yan at minsan teddy bear ko kapag nanonood ng sine. (peace ulit!) Mahal na mahal ako niyan na kahit sa kalokohan, iniintindi niya ako. Oo, bad boy ako, pero siya ang filter ko, taga-tigil bale ng kalokohan. Mahilig siya sa Fushigi Yuugi at Death Note (Death Note lang gusto ko mula sa mga anime’ na gusto niya, kasi mukhang baduy ‘yong Fushigi Yuugi! Peace sa madaming fans ng Fushigi Yuugi! Alam kong madaming baliw do’n!) Sabi niya ‘wag ko daw maliitin sarili ko, na ginagawa ko naman ngayon. Maraming salamat sa pagmamahal…

Ayan na ang mga babae sa buhay ko! Parang si Gat. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda lang no? Sampu! Malay natin, baka madagdagan pa ‘yan dahil sa mga hindi inaasahang bagay. (Naku! Baka may magalit!) Pero sabi ko nga: “Walang aksidente o koinsidente sa mundo, mga bagay lang na hindi talaga maiiwasan kahit na anong gawin”. Baka nga maghanap pa ako ng gay lover para may financier ako! Saan ba madami? Joke! Bwuhahaha!! Madami pang edisyon ang AKO BILANG SI ONI OUJI! Wait and see more of me! Gusto kong maging mas personal sa mga bumabasa ng blog posts ko. Ise-share ko kahit kalokohan ko para lang sa inyo! Bwuhahaha!! Salamat sa pagtangkilik! Pakibasa nalang din ‘yong istoryang ginawa ko sa baba! Salamat! Love story ‘yan, 1st time kong magsulat ng ganyan.

Salamat pala sa mga followers kong mga kaklase ko din at kapwa ko mga blogger. Go Go Go!



written: May 23, 2010

No comments:

Post a Comment